AlDub fans basag na basag kay Maine: Naglabas ng ebidensya sa ‘Atayde dinner’

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

GINAWAN ng isyu ang picture ni Maine Mendoza kasama ang Atayde family na kuha habang sila’y nagdi-dinner.

Ang nasabing photo ay inilabas ng nanay ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram account nitong nakaraang araw.

Kasama sa dinner ang boyfie ni Meng na si Arjo kaya sigaw ng ilang netizens, photoshopped lang daw ito. Ayon sa mga bashers, isiningit lang ang litrato ni Maine upang lumabas na kasama siya dinner ng pamilya nina Sylvia.

Eh, sa isang interview sa Phenomenal Star na ipinalabas sa Unang Balita ng GMA, itinanggi niya ang intriga at sinabing siya pa raw ang nagyaya sa pamilya Atayde na matuloy ang dinner.

Siyempre, kung may pabor sa relasyong Maine at Arjo, mas marami pa rin ang kumokontra, huh! Lalo na ang mga diehard fans ng Dubsmash Queen at ng Asia’s Multimedia Star na si Aldem Richards.

‘Yun nga lang, si Meng ang taong hindi puwedeng sulsulan o diktahan ng kanyang mga kaibigan, kapamilya pati ng kanyang talent management pagdating sa personal life. Kung saan siya masaya, ‘yun ang gagawin niya kahit na alam niyang maraming masasaktan o mao-offend!

Read more...