Aktres binantaan ang dyowa: Wag mo akong iiwan or else…

HANGGANG hindi nag-uusap nang masinsinan ang isang kilalang loveteam sa mga prayoridad nila sa buhay ay palaging ganyan ang mangyayari. Pareho silang maghihilahan pababa.

Sa mga loveteam ngayon ay sila ang nasa ilalim, biglang tumamlay ang kanilang tambalan, dahil parehong immature ang magkarelasyon.

Kuwento ng isang source, “Seloso si lalaki, super-selosa naman si babae, ano ang mangyayari sa buhay at career nila? Mahilig lumabas ang guy kasama ang mga friends niya, ayaw na ayaw ‘yun ng girl!

“Naniniwala ang male personality na kailangan, pagkatapos ng work, e, mag-relax-relax naman ang tao. Pero si babae, iba naman ang pananaw niya. Huwag na lang dapat lumalabas, magpahinga na lang para makabawi sa pagod at puyat.

“Kaso, baka naman kasi nagsasawa na ang guy na palagi na lang silang magkasama, baka nga naman magkapalitan na sila ng mukha, kaya gusto niya namang may ibang makasama sa labas?

“‘Yun ang madalas nilang pag-awayan, magkaiba ang takbo ng utak nila, kaya siguro nga, e, hindi rin magtatagal at magkakahiwalay na rin sila,” unang chika ng aming impormante.

Meron pang kuwento na matagal nang gustong kumawala ng lalaki sa relasyon nila ng girl pero hindi nito maituluy-tuloy ‘yun dahil sa pananakot ng female personality.

“Marami kasing drama ang babae, marami siyang binabanggit na scenario na kapag iniwan siya ng lalaki, e, may ganito at ganyang mangyayari! Natural, afraid ang guy, di ba naman?

“Baka nga naman kasi kapag may nangyari sa girl, e, siya pa ang masisi, kaya ayun, tiis-tiis lang siya sa mga ginagawa ng girl na hindi niya masakyan.

“Selosa kasi ang girl, lahat na lang ng gawin ng boyfriend niya, e, kinukuwestiyon niya, wala na siyang tiwala sa lalaki, e, mas lalo pa siyang walang tiwala sa sarili niya!

“At kapag pala sobra ang pagseselos ng girl, e, pa-pictorial siya nang pa-pictorial! Kahit hindi naman kailangan, e, hala, sige siya sa kapo-pose nang kapo-pose!

“Gusto niyang patunayan sa guy na nakapanghihinayang siyang iwan. Liyad siya nang liyad, pa-sexy siya nang pa-sexy, nakakaloka siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha? Getlak n’yo na ‘yan kahit walang clue!

Read more...