AFTER magsalita ni Regine Velasquez sa pambabastos sa kanya ng Popsters, fan group na umiidolo kay Sarah Geronimo, isang fan, Sherwin Kenh, shared on Twitter na nakaranas din pala ng pambabastos si Angeline Quinto mula sa fans ng dyowa ni Matteo Guidicelli.
“Since that Ms @cacaimitra and Ate @reginevalcasid have already spoken, let me also share my observation that some of the Popsters are really trouble makers. I can’t forget their attitude – they also bashed @AngelineQuinto before with a false info. Popsters, time 4 change,” tweet ni Sherwin.
“Tapos na yun. Palagi lang tayo dun sa tama. Yung walang masasaktan. Ayos?” sagot ni Angeline.
Ang daming nag-react. Talagang binash ang fans ni Sarah.
“Daming atsaro ng Popsters sa mga tao sa showbiz. Pati pala kay Angeline. Mahiya naman kayo. Ang bait ni Sarah. You are smearing her reputation.”
“At least it’s all water under the bridge for both Angeline and Sarah. Pero utang na loob, Popsters. Kumalma naman kayo. Huwag iyong away lang ng away.”
“Sa pagsikat ni Sarah, yung mga faneys nya ang lumaki ang ulo at naging sobrang entitled. Gayahin nyo naman si Sarah. Grow up!”
Kami man ay nakaranas din ng matinding pamba-bash mula sa Popsters especially nang sinulat namin na unang naging dyowa ni Sarah si Rayver Cruz. Actually, kaya lang sila naghiwalay ay dahil nahuli ng tatay ni Sarah na nakikipag-chat ang kanyang anak kay Rayver. Doon na nagsimula ang paghihiwalay nila.