Pokwang: Sobrang generous ni Bossing…may bago na akong kotse

PURING-PURI ng mga Kapamilya stars na sina Pokwang at Jake Cuenca ang kabaitan at pagiging generous ni Bossing Vic Sotto.

Magkakasama sila sa 2019 Metro Manila Film Festival 2019 entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity” kung saan ka-join din sina Maine Mendoza, Wally Bayola at Jose Manalo. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakasama ni Pokey si Bossing sa pelikula, ang una ay sa “Pak! Pak! My Dr. Kwak” noong 2011.

Ayon sa komedyana, bilib na bilib siya sa working attitude ng mister ni Pauleen Luna, lalong-lalo na sa pagiging generous nito sa lahat ng kanyang mga katrabaho. “Sa sobrang generous niya, may bago akong kotse sa labas! Ha-hahaha!” chika ni Pokwang sa nakaraang presscon ng “Mission Unstapabol”.

Napa-wow naman ang members ng entertainment media sa pasabog ni Pokey. Kaya nang tanungin kung totoo ito, natatawang sagot ni Pokwang, “Parating pa lang. Ha-hahaha! Hindi, pero alam mo yung niyakap ka lang niya, yung sinabi niyang ‘walang Kapamilya, walang Kapuso, lahat pantay,’ yun pa lang [napakasaya] na ng puso ko. Matutuwa ka na. talaga kung paano ka nila tratuhin sa set.”

“Yung unang movie ko with Bossing, talagang yung embrace nila sa akin, yung pagtanggap bilang Kapamilya. Masaya yung pagtrato, akala mo yung ang tagal-tagal na naming magkatrabaho. Ngayon, sa ‘Unstapabol,’ talaga namang mas lalo ngayon. Parang na-miss namin ang isa’t isa. Spoiled kami, yung schedule namin super ang pag-adjust nila sa amin. Minsan nahihiya na nga kami kasi, siyempre, kailangan nating magtulungan, di ba? Pagkain, ganyan lahat, pak, spoiled kami, sobra!” mahabang litanya ni Pokey.

Sinegundahan ito ni Jake Cuenca at sinabing spoiled daw talaga sila sa shooting, “Yung set ng APT, sobrang ayos, sobrang kumportable namin sa set na pakiramdam ko nga para kaming spoiled. Kinuha ko rin yung mga oportunidad na makaeksena lahat kasi sa TV hindi namin nagagawa.

“So sa pelikulang ito, sinavor ko ang moments na makaeksena sila–kay Maine, kay Bossing, kay Wally, at kay Jose. Pagdating kay Bossing, bilang artista, ang dami ko ring natutunan sa kanya just by watching. Isa talaga siyang leader sa set. Marami kang matututunan just by watching him, kung paano niya dinadala yung mga tao around him, nakaka-inspire din,” kuwento pa ng hunk actor.

 

Read more...