Horoscope, Dec. 19, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang araw na ipagkakaloob na isa-isa ng langit ang lahat ng inyong plinano at binalak nitong nakaraang taon. Isipin mo na kung saan, dadalin ang napakaraming biyaya na ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas sa darating na 2020. Sa lovelife may sopressang masarap na romansa ang panahong ito ng kapaskuhan. Markahan ang 1, 7, 19, 22, 34 at 49. Beige at red ang buenas. Swerte ang initial na J. at P.
Aries – (Marso 21-April 19)–PKMakakamit ang maturity kung tanggapin ng maluwag sa loob na: “ang lahat ng bagay ay lumilipas at nawawala rin.” Liligaya sa lovelife, kung sinoman ang nandyan na ngayon siya na lang muna ang pagtiyagaan. Markahan ang 1, 11, 19, 25, 34, at 47. Green at yellow ang buenas. Swerte ang initial na K. at H.
Taurus – (April 20-May 20)–Mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagpapasya. Sa lovelife, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng panlasa yan, walang basagan ng trip!” Markahan ang 7, 19, 25, 36, 43, at 45. Maroon at white ang buenas. Swerte ang initial na O. at F.
Gemini – (May 21-June 21)–amantalahin ang papalapit na Bagong Taon. Kalakal na bilog na prutas at tumutunog ang dapat ibenta. Sa produtong nabanggit malaking halaga ng salapi ang tatabuin. Sa lovelife, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang likas na suwerteng Sagittarius. Markahan ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Blue at brown ang buenas. Swerte ang initial na P. at D.
Cancer – (June 22- July 22)–Panahon na upang magpakatuso at ng mas madali kang yumaman.
Sa lovelife, wag magpa-impluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Ngayon pa lang paghandaan nyo na ang matipid na pagdaraos ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Markahan ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Purple at magenta ang buenas. Swerte ang initial na J. at R.
Leo – (July 23 – August 22)–Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang yan! Pahalagahan at pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Sa lovelife, may kakaiba at mas masarap na romansang naghihintay sa iyo sa darating na 2020. Markahan ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Orange at white ang buenas. Swerte ang initial na S. at Q.
Virgo – (August 23 – September 22)– Isagawa at bigyang aksyon ang anomang iniisip, sa ganyang paraan hindi ka mapagbibintangang puro ka lang kuwento at puro ka lang drowing. Sa lovelife at pinansyal, laging maging praktikal upang lumigaya ang buhay. Markahan ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Silver at blue ang buenas. Swerte ang initial na C. at V.
Libra – (September 23-October 23)– Hindi dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang naman ang susi upang yumaman, maging masinop sa buhay at matipid sa salapi. Wag sumabay sa maluhong paggasta ngayong kapaskuhan. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 37, at 49. Green at gold ang buenas. Swerte ang initial na Y. at R.
Scorpio – (October 24 – November 21)– Iwasang mag-init ang ulo upang patuloy na dumating ang suwerte. Sa negosyo, kung magiging mahinahon, mas malaking kita ang makakamit. Sa lovelife, hinahon din ang susi upang mapakitunguhan ng maayos ang topaking kasuyo. Markahan ang 3, 9, 17, 27, 33, at 47. Red at green ang buenas. Swerte ang initial na J. at M.
Sagittarius – (November 22 – December 21)– Produktong may kaugnayan sa pagkain ang simulan. Puto-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong Simbang Gabi ang dapat. Sa lovelife, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang hindi na siya maghanap pa ng iba. Markahan ang 3, 12, 21, 34, 43, at 49. Lilac at pink ang buenas. Swerte ang initial na R. at G.
Capricorn – (December 22 – January 19)–Pagbutihin pang lalo ang anomang ginagawa. Ang salapi at maligayang lovelife ay kusang dumarating sa takdang panahon kung lagi kang naka-red. Markahan ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Bukod sa red ang blue ay buenas. Swerte ang initial na C. at D.
Aquarius – (January 20 – February 18)– Wag gawing kumplikado ang mga pangyayari, manatili sa iisa at dati ng minamahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius gawing simple lang ang buhay pero rock! Markahan ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Purple at magenta ang buenas. Swerte ang initial na L. at C.
Pisces – (February 19 – March 20)–Simulan mo ng gumising ng maaga, upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa lovelife, mag-Simbang Gabi kayo ng iyong kasuyo upang lalong sumarap at tumamis ang pagmamahalan. Markahan 6, 16, 24, 33, 38 at 44. Gray at pink ang buenas. Swerte ang initial na S. at E.

Read more...