Hugot ni Elisse Joson: No to dyowa, pero ok lang naman makipag-date

ELISSE JOSON

MULING itinanggi ni Elisse Joson ang balitang binasted niya si Hashtag Jameson Blake.

Si Jameson ang next Hashtag member na na-link sa young actress pagkatapos ng break-up nila ni McCoy de Leon.

“Wala naman po kasing nangyaring lilgawan para mabasted siya,” ani Elisse. “But in the future kung manligaw po siya? Tingnan po natin. Siguro for me talaga timing is really important.”

Nakausap namin si Elisse sa “meet and greet” mall tour ng ini-endorse niyang beauty products, ang Cathy Doll Ready2 White, sa Mall of Asia kamakailan.

Pero open naman daw siya to accept suitors, “No to a relationship, but, siguro open naman ako to meet people and to know people, date, ganyan,”

As of the moment, she’s not dating anyone. At kahit si Jameson din daw ay open to date with other girls, “Ay! Yeah, kasi hindi naman po kami, wala naman kaming pinag-usapan before na we’re together or we’re exclusively dating. Hindi naman din siya umabot sa point na ganu’n.

“We we’re really close. We hangout. Pero hindi po umabot to the point na may ‘I love you’ or anything. So, wala pa naman po sa status na ‘yun,” aniya pa.

May time rin daw na naisama niya si Jameson sa out-of-town ng pamilya niya. Naging close naman sila talaga pero hanggang doon lang, “Pero okey kami ni Jameson. We see each other. MInsan, kahit out of nowhere magtatanong ‘yan, ‘Kumusta ka na?’ Sabi ko, ‘Okey naman,” lahad pa ni Elisse.

Tinanong namin siya kung may chance ba na magkasama sila ni Jameson sa Pasko, “Magkahiwalay po,” sambit niya. “Ako po kasi, mag-a-out of the country with my family. Pero…” bitin na sagot niya.

Pupunta si Elisse sa US kasama ang kanyang pamilya para doon mag-celebrate ng New Year. One week lang daw sila doon dahil kailangan niyang bumalik para mag-taping ng teleserye niya na Sandugo. Balik-Pinas daw siya sa first week of January.

Natawa lang si Elisse when we said na mami-miss siya tiyak ni Jameson. Although, before Christmas magiging madalas ang pagkikita at pagsasama nila dahil sa promo ng movie nila na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang “The Mall, The Merrier” showing on Dec. 25.

“Ang character ko po si Mora, ako po ‘yung nanay nina Vice Ganda and Anne Curtis sa past life. Kasi may mga flashback, nu’ng mga bata pa sila. Pero at the same time, meron din po kami with Vice nu’ng tumanda. Basta, part of the story siya,” kuwento ni Elisse.

Si Jameson ang kapartner niya sa movie bilang tatay ni Vice. Masaya naman daw katrabaho si Jameson sa set ng “The Mall, The Merrier.”

Sa kabila ng break-up nila ni McCoy, inuulan pa rin ng mga proyekto si Elisse. May movie, may teleserye at may product endorsements, “For me, it’s really different. Siyempre ‘yung sa loveteam iba ‘yung ingay kapag meron kang partner. But, I’m still glad na ngayon na individually, kahit hindi sobrang ingay ‘yung mga nangyayari I’m still getting projects left and right.

“So, para sa akin, thankful na po ako sa ganoon. And I really cherish everything I get po,” anang dalaga.

Dagdag pa ni Elisse, “Thankful po talaga ako na nagkaroon din ako ng product endorsement this year, ‘yung Cathy Doll REady2 White.”

Meron pa ba siyang gustong matanggap na gift si Elisse this Christmas? “I can’t ask anything na material, e. Parang feeling ko po, mas gusto kong matanggap this year ‘yung from the heart, kung meron man.

“E, kaso wala namang ano, e. Wala naman akong dini-date or anything. Pero siguro ‘yung something thought of, kahit kunyari material thing pero ‘yung pinag-isipan talaga na gusto ko na bagay sa akin. ‘Yung kahit maliit na bagay.”

What about her wish for 2020?

“Ang wish ko lang po magtuluy-tuloy pa rin and I’m really, I’m really excited na mag-grow pa. Kasi, ngayon ko lang din po napi-feel na I still have a lot to learn. Pero unti-unti parang nakikita ko naman kahit paano na nag-i-improve ako,” sagot ng Kapamilya actress.

Read more...