KILALA bilang isang magaling na mamamahayag, nagsimula ang career ni Cesar Apolinario bilang cameraman at researcher ng longest-running at award winning documentary show na i-Witness sa GMA Network.
Mula roon ay namayagpag ang kanyang karera at nakagawa na siya ng sariling pangalan bilang reporter, dokumentarista, TV host, at maging isang feature film director.
Noong nakaraang Biyernes, Dec. 13, marami ang nagulat sa biglang pagpanaw ni Cesar sa edad na 46 dahil sa isang uri ng cancer na kung tawagin ay “lymphoma.”
Ngayong gabi, kilalanin pa si Cesar sa likod ng camera at samahan si Pia Arcangel na magbigay pugay sa kanyang makulay na buhay at karera sa Tunay na Buhay, 11:35 p.m., sa GMA.
MOST READ
LATEST STORIES