Taecyeon, Lee Yeon Hee magpapakilig sa ‘The Game’

NAGSIMULA na ang script reading ng upcoming drama ng Korean heartthrob na si Taecyeon ng 2PM at Lee Yeon Hee, ang The Game: Towards Midnight.

Kwento ito ng isang lalaki na nakikita ang huling sandali bago ang kamatayan at isang detective na magtutulungan para madiskubre ang isang sikreto.

Bukod kina Taecyeon at Yeon Hee, kasama rin sa cast sina Im Joo Hwan, Jung Dong Hwan, Park Ji II, Park Won Sana at Jang So Yeon.

Gaganap si Taecyeon bilang Kim Tae Pyung, na may abilidad na makita ang huling sandali bago mamatay ang isang tao. Ito ang comeback drama ni Taecyeon matapos ma-discharge mula sa military.

Muling magtatambal sina Yeon Hee at Taecyeon makalipas ang anim na taon nang gawin nila ang pelikulang“Marriage Blue”.

Kabilang sa mga Korean drama Taecyeon ang Dream High (2011), Who Are You? (2013), Wonderful Days (2014), Assembly (2015), Let’s Fight, Ghost (2016) at Save Me (2017( at ang mga pelikulang Marriage Blue (2013) at House od the Disappeared (2017).

Mapapanood ang The Game: Towards Midnight sa Enero 22, 2020.

Read more...