Park Bo Gum, Park So Dam pumayag kayang maging loveteam?

KOREAN word of the week: “Oneu” – Sa Ingles ito ay “today” at sa Tagalog naman ay “ngayong araw” o “ngayon na”.

* * *

Nakatakdang magsama ang Korean superstar na si Park Bo Gum at ang magaling na aktres na si Park So Dam sakaling tanggapin nila ang seryeng “Record of Youth”.

Ayon sa agency ni Bo Gum na Blossom Entertainment totoong inalok ang project sa binata ng TVN at kasalukuyang pinag-aaralan kung tatanggapin ito.

Kwento ang Record of Youth ng mga kabataan na nasa modeling industry. Magiging producing director (PD) nito si Ahn Gil Ho na nasa likod din ng Forest of Secrets (Stranger), Memories of the Alhambra at Watcher.

Kinumpirma rin ng kampo ni So Dam na pinag-aaralan na ng aktres kung tatanggapin ang female lead role.

Huling napanood si Bo Gum sa Encounter kasama ang Korean superstar na si Song Hye Kyo. Bukod sa Encounter, kabila ng sa mga hit K-drama ni Bo Gum ang Hello Monster, Reply 1988 at Love in the Moonlight.

Sumikat naman nang husto si So Dam sa blockbuster movie na “Parasite”. Kabilang sa mga Korean series niya ang A Beautiful Mind at Cinderella with Four Knights.

Read more...