#InggitPaMore: Male celeb sinisiraan ng katrabaho

BUHAY-HARI kung ilarawan ngayon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang pamosong male celebrity sa kanyang larangan.

Kahit daw kasi hindi na magtrabaho pa ang male celebrity ay mabubuhay na siya nang maayos na maayos dahil sa napakaganda niyang kapalaran ngayon.

Maraming naiinggit sa kanyang katayuan ngayon, alam na alam ng kampo ng male celebrity kung sinu-sino ang mga nagpapakalat ng mga negatibong kuwento tungkol sa kanya, pati na sa kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Halatang-halata naman kasing inggit lang ang dahilan ng paninira sa kanya ng mga taong ‘yun, e! Pero ang nakakaloka, e, ang ginagawang paninira sa kanya ng isang taong mismong kasamahan pa niya sa pinili niyang linya.

“Hindi man sila magkakampi, e, hindi rin naman sila magkaaway, kaya nagtataka ang kampo ng male celebrity kung bakit ganu’n na lang ang galit sa kanya ng mokong na ‘yun!

“Palibhasa, e, walang nangyayari sa buhay niya dahil sa sobra niyang kaangasan! Marami siyang pangarap pero wala namang nangyayari sa career niya, kasi nga, puro away lang naman ang inaatupag niya!

“Ipinaglihi kasi sa patola ang kasamahan niyang ‘yun, e! Nakikipagbakbakan na siya sa hardcourt, e, pinapatulan din niya ang mga fans ng ibang team!

“Ayun, ano tuloy ang nangyari sa kanya? E, di palagi siyang suspended? Nalulugi na nga yata ang team niya sa kababayan ng danyos sa mga pinaggagagawa niya, e!” napapailing na unang chika ng aming impormante.

Kunsabagay ay kainggit-inggit naman kasi ang naging kapalaran ng kilalang male celebrity, maayos na ang kanyang career, napakasuwerte pa niya sa napangasawa niyang yayamanin.

“Sino nga ba naman kasi ang hindi maiinggit sa kinahantungan ng lovelife nu’ng male celebrity? Nagkakilala sila ng girl, nagkainlaban, nagpakasal at may baby na sila ngayon na plakado ng itsura ng papa niya!

“Sunod na sunod ang layaw nu’ng male celebrity sa misis niya, pero kumikita rin naman nang milyones ‘yung tao sa pakikipagbalyahan niya at pagsu-shoot, kaya hindi puwedeng sabihin ng kahit sino na umaasa lang siya sa napangasawa niyang milyonarya!

“Romeo and Juliet ang kuwento ng lovelife nila mabilisan, pero napakaganda naman ng naging resulta ng pagmamahalan nila,” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Wala nang iba pa!

Read more...