Maine, Anne, Jennylyn bakbakan sa pagiging Comedy Queen para sa MMFF 2019

SINA Anne Curtis, Jennyln Mercado at Maine Mendoza ang mga bagong mukha ng komedya ngayon sa mundo ng pelikula.

Sa tatlo, lamang na lamang si Maine dahil nahasa na siya sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga at sitcom na Daddy’s Gurl pagdating sa pagpapatawa. Bentang-benta sa manonood ang kanyang style sa pagpapatawa.

Mas nahasa kasi sa drama sina Anne at Jen kumpara kay Meng kaya kung comedy din lang ang pag-uusapan, mukhang may tulog ang dalawang aktres sa Dubsmash Queen na mapapanood muli sa MMFF 2019 entry ni Bossing Vic Sotto, ang “Mission Unstopable”.

So this 2019 Metro Manila Film Festival, it’s Anne versus Jen versus Meng sa pagalingan sa pagpapatawa sa separate entries nila sa festival.

Kayo ba, sa tatlong nabanggit na female star kanino kayo talagang natatawa kapag humirit na sila ng punchlines?

Read more...