Alfred hindi pwedeng iwan ang showbiz: Kailangan nating kumita

CONSISTENT pa rin si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa pagsasabi na wala siya sa estado niya ngayon kung wala ang entertainment industry.

Humarap ang aktor at kongresista sa ilang members ng media matapos tanggapin ang bagong parangal bilang isa sa hinirang na Ten Outstanding Young Men (TOYM) 2019 for public service.

“Siguro this is sort of my life’s work at age 40. Nagpapasalamat ako dahil feeling ko, kung hindi ako naging artista, hindi rin ako naging congressman.

“That’s why I am very, very thankful to the Lord. He gave me the opportunity, the talent, the luck and good friends like you so I would be able to serve our country. Parang pamilya na rin po kayo sa akin,” pahayag ni Cong. Alfred.

Isang napakalaking blessing para kay Alfred ang tinanggap na award bilang isang public servant.

“Napakahalaga nito for me. Kasi nare-recognize ang paghihirap natin at sakripisyo. Pero sa tingin ko, nakaka-inspire to work harder kasi being a TOYM awardee is a life long commitment, kailangang patunayan natin na hindi sila nagkamali ng pagbibigay nila sa tiwala at suporta sa atin,” saad niya.

Isa sa mga maituturing na best achievement ni Alfred bilang kongresist ay ang pagsasabatas ng Cancer Controlled Act kung saan makakatuwang ng mga cancer patients ang gobyerno sa kanilang pagpapagamot.

Abala man sa pagiging mambabatas, may panahon pa rin naman si Cong. Alfred na harapin ang una niyang pag-ibig – ang umarte. Nakatapos na siya ng dalawang movie ngayong taon, ang “Kaputol” at “Tagpuan.”

Aniya, hindi niya maaaring talikuran ang showbiz dahil dito nga siya nakilala at isa pa rin ito sa bumubuhay sa kanyang pamilya. Siyempre, kailangan pa rin naman niyang kumita para mabigyan ng magandang future ang kanyang mga anak.

Read more...