Mas maagang retirement sa gobyerno pasado na

INAPRUBAHAN sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng opsyon sa mga empleyado ng gobyerno na magretiro sa edad na 56.

Sa botong 192-0 at walang abstention, inaprubahan ang House bill 5509 kahapon.

Sa ilalim ng panukala ang mga empleyado ng gobyerno ay maaari ng magretiro sa edad na 56 subalit maaari pa ring magpatuloy sa pagseserbisyo kung nanaisin nito.

Ikinatuwa naman ni Ako Bicol Rep. Pido Garbin ang pagpasa ng kanyang panukala.

“By lowering the optional early retirement age to 56, we want to enable the retirees to enjoy more of their mature years. They can embark on new careers, engage in business using their retirement pay, or enjoy traveling with their spouse, grandchildren, relatives, and friends,” ani Garbin.

Sinabi ni Garbin na mas pakikinabangan ang retirement benefit kung maagang magreretiro ang mga empleyado.

“The extra five years this measure gives retirees equals more quality years while they are still in their 50s because by 60s and onwards, age starts to take its toll on seniors,” dagdag pa ng solon.

“The posts vacated can be opened up to new and most likely necessarily younger blood. Early retirement gives government agency & organizations the window of opportunity for renewal of the workforce and leadership positions and the consequent adaptation to changes in the enterprise environment.”

Read more...