Bato pumalag sa kanselasyon ng kanyang US visa

BINATIKOS ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang desisyon ng United States na kanselahin ang kanyang US visa dahil sa kanyang pagkakasangkot sa umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.

Bilang dating hepe ng national police, si dela Rosa ang namuno sa gera ni Pangulong Duterte kontra ilegal na droga.

“Granting that it’s true na ang (that the) basis ng (of) cancellation is ‘yung (the) involvement [in] EJK, well they are very biased, they are misinformed, they are misled by their informants,” sabi ni dela Rosa.

“Kayo mismo nandito man kayo sa Pilipinas, kayong media, sige nga, ako ba’y nag-encourage na patayin ‘yung mga drug suspects? Ako ba’y nag-utos na patayin? Ako ba’y nagco-cover up sa mga ginagawa na kalokohan ng ating kapulisan?” tanong ni dela Rosa.

Idinagdag ni dela Rosa na bagamat hindi pa niya nakukumpirma sa US Embassy na kanselado na nga ang kanyang US visa, nakatanggap siya ng ulat ngayong weekend.

Inamin naman ni dela Rosa na dismayado siya sa balita.

“Sino bang masaya? Hindi ko na mabisita mga kapatid ko sa Amerika; mga pamangkin ko hindi ko na mabibisita. ‘Pag may laban si Sen. Pacquiao hindi na ako makakapanood dahil hindi na ako makapasok doon so masama ang loob ko talaga,” ayon pa kay dela Rosa.

“Pribilihiyo na binigay nila na pwede tayong pumasok sa kanilang bansa, pasalamat tayo,” ayon pa kay dela Rosa.

Read more...