NALUNOD ang 15-anyos na binatilyo at nawawala ang kanyang kuya matapos umanong maanod habang tumatawid sa ilog, sa Mauban, Quezon, nitong Linggo.
Dinala pa sa pagamutan si Billy Regalario matapos marekober, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Pinaghahanap pa ng pulisya at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng kuya niyang si Dominic.
Naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw, sa ilog na nasa Brgy. Tapucan.
Tumatawid ang magkapatid na Regalario, kapwa residente ng Brgy. Luya-Luya, nang bigla umano silang tangayin ng malakas na agos ng tubig, ayon sa ulat.
MOST READ
LATEST STORIES