Veteran actress nasa ICU dahil sa kidney failure; tumangging magpa-transplant

FAMILY and friends alike are praying hard for the recovery of who may be considered as one of the pillars in the industry.

Ayon sa aming source na ang turing niya roo’y parang pangalawang ina na niya, nasa ICU raw ito ng isang kilalang ospital.

Meron daw itong kidney failure, na maaari lang malunasan kung sasailalim sa transplant to which she objected.

Strictly for family members lang ang pagdalaw sa kanya sa ICU. Nagkataon pa na ilang araw mula ngayon ay ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan, kabertdey niya ang isang mahusay na aktres in her late 50s.

Malungkot na sabi ng aming source, “You wouldn’t believe it, but I’m close to her than I was to my (late) mom.” Sa bawat pagtitipon kasi ng pamilya nito mula’t sapul ay imbitado siya sa malawak na tirahan ng mga nasirang magulang nito whose contribution to local showbiz ay isa nang makasaysayang legacy.

Read more...