NANGAKO si Cong. Alfred Vargas sa kanyang namayapang ina na gagawin niya ang lahat para matulungan ang mga kababayan nating nakikipaglaban sa iba’t ibang uri ng cancer.
Namatay ang nanay ng actor-politician na si Atty. Susana Dumlao-Vargas dahil sa cancer at bago raw ito mamaalam, nag-promise siya na tutulong siya sa mga cancer victims and survivors hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
Kamakailan ay humarap ang kongresista ng 5th District ng Quezon City sa ilang members ng entertainment press para magpasalamat sa patuloy na suportang ibinibigay sa kanya kahit na hindi na siya masyadong active sa pag-aartista.
Nag-thank you rin siya sa lahat ng nagtitiwala sa kanya bilang public servant at sa bagong achivement na natanggap niya kamakailan lang – ang paggawad sa kanya ng award bilang isa sa mga Outstanding Young Men (TOYM) for Public Service.
Siguradong isa sa dahilan kung bakit siya napili bilang TOYM honoree ay ang naipasa niyang batas na Republic Act 11215, o National Integrated Cancer Control Act (NICCA), na naglalayong makatulong sa cancer patients. “
Ang batas natin, ang National Integrated Cancer Control Act, ay nagsasabing the government will help the cancer patient and the cancer family, pati ang pamilya ng pasyente.
“Kasama na rito ang pagpapatayo ng cancer centers, hindi lamang one cancer center. Hindi lang tulad dito, isa lang ang Heart Center. Dito, hopefully Luzon, Visayas at Mindanao and even sa regional level,” ayon kay Cong. Alfred.
“Ako kasi, from my experience, pag may cancer ka, ang laki ng gastos. Tapos, tinitingnan mo kung saan ka ituturo, yung streamlining mo, lahat. Ang organizing, before cancer, during cancer, and after cancer.
“Kasama na yung government even in providing subsidies sa medicines and treatments,” aniya pa. Ang good news pa raw, marami ng paraan ngayon para agad na ma-control o maiwasan ang cancer, “Marami po talagang cancer ngayon na puwedeng iwasan. Actually, there are tests even sa mga apps.
“Puwede mong papuntahin sa bahay para magpatingin ko kung saan ka cancer-predisposed. “With that, made-detect mo, e. Maiiwasan mo ang mga pagkain, ma-adjust mo yung lifestyle mo, para maiwasan mo kung ano yung predisposed ka.
“The technology is available, and nandidiyan. I suggest to everyone, magpa-early screening na tayo. Kasi it’s the cheapest way, it’s the most effective way to battle cancer habang maaga pa. And we know some friends who have successfully battled cancer,” sabi pa ng aktor.
Samantala, hindi pwedeng talikuran ni Cong. Alfred ang showbiz, “Kapag recess, diyan ko isinisingit yung oras for consultations, for family and travel. And siyempre, para tutukan ang isa nating livelihood, ang showbiz.
Kasi kailangan natin ng dagdag na kita.” Dalawang pelikula na ang natapos niyang gawin, ang “Kaputol” with Cherie Gil and Angel Aquino at ang “Tagpuan” kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao. “At this point kasi, medyo matagal na rin tayong aktor, I want to do more meaningful projects, since I can do only a few projects,” dagdag pa ng kongresista.