Senior citizen wagi ng P25K sa I Can See Your Voice dahil kay Doris | Bandera

Senior citizen wagi ng P25K sa I Can See Your Voice dahil kay Doris

|December 16,2019
facebook
share this

Senior citizen wagi ng P25K sa I Can See Your Voice dahil kay Doris

- December 16, 2019 - 12:10 AM

TAGUMPAY ang Kapamilya broadcast journalist na si Doris Bigornia sa bagong hamon na ibinigay sa kanya ng I Can See Your Voice last Saturday night.

Si Doris ang celebrity guest ng favorite n’yong mystery game show ng ABS-CBN hosted by Luis Manzano nitong nagdaang Sabado at in fairness, maswerteng nahulaan ng Mutya Ng Masa ang certified See-singer sa bagong batch ng mga contestants.

Siyempre, hindi kumpleto ang programa kung wala ang mga Sing of the Crime Operatives (SOCO) o ang mga Sing-vestigators na tumulong kay Doris para makilatis ang mga contestants kung sinu-sino sa mga ito ang mga Seen-tunado at mga tunay na see-nger.

Talaga namang umariba na naman ang kakulitan at kalokahan nina Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Bayani Agbayani, Kean Cipriano, Jobert Austria at Andrew E.. Pero in fairness uli ha, malaki ang naitulong ng mga hirit at paandar nila para matsugi agad ni Doris ang mga seen-tunado.

Bentang-benta rin sa audience ang mga punchlines ni Bayani habang nagbibigay ng payo tungkol sa mga hidden personality ng mga contestants, lalo na nang tawagin pa niyang Doris the Explorer ang magaling na news reporter ng ABS-CBN.

Sa huli, ang napili ni Doris ay si “Hotel Eclipse of the Heart” o Antonio Sundiam sa tunay na buhay. Nang mag-duet ang dalawa ay napatunayang isa itong certified See-nger kaya siya ang nag-uwi ng P25,000 plus special Christmas gifts mula sa pamilya ng I Can See Your Voice. Ang mga natanggal namang contestants ay nakatanggap din ng mga regalo mula sa mga Sing-vestigators bukod pa sa cash prize.

As usual, wagi pa rin sa ratings game ang ICSYV at pasok pa rin sa Top 20 most watched programs sa bansa. Kaya kung gusto n’yo lang tumawa at magpa-good vibes, tutok na tuwing Sabado ng gabi sa I Can See Your Voice after Maalaala Mo Kaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending