Reunion movie ng Jadine loveteam tsugi na; pinalitan nina Bela at Marco        

     

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

               

PINALITAN na naman si Nadine Lustre ni Bela Padilla sa Philippine adaptation ng Korean  romantic comedy film na “Spellbound.”

       Ang nasabing movie ang reunion project sana ni Nadine with her boyfriend James Reid after ng huling pelikula nilang “Never Not Love You.”

       Ito ba ang pangalawang beses na tumanggi si Nads sa isang movie. Nauna na niyang inayawan ang Viva festival movie na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbibidahan ni Aga Muhlach.

       As we all know, si Bela nga ang pumalit sa kanya sa nasabing 2019 MMFF entry.

       Nalaman din namin na pati pala si James ay pinalitan na rin sa “Spellbound”. Napunta ang role sa hunk actor na si Marco Gumabao.

       Nagkarooon na ng story conference ang movie na dinaluhan nina Bela at Marco kasama ang magiging director nilang si Top Nazareno.

Wala pang official statement sina Nadine at James tungkol sa pagtanggi nilang gawin ang “Spellbound” pero ang narinig namin, mas gusto ng magdyowa na mag-concentrate muna sa kanilang career bilang singer and performer.

Read more...