Vice, Coco tinawag na ‘sira-ulo’ ng mga kaibigan: Kanya-kanya kami ng sumbong!                    

   

VICE GANDA AT COCO MARTIN

 

NANANATILING magkaibigan sina Coco Martin at Vice Ganda kahit taun-taon ay magkatapat ang mga pelikula nila sa Metro Manila Film Festival. And for the nth time, may kanya-kanya ulit silang entry ngayong darating na December.

This time si Anne Curtis naman ang ka-tandem ni Vice sa pelikula nilang “The Mall, The Merrier” mula sa Star Cinema at ipalalabas sa Dec. 25, habang si Coco naman ay kasama ang Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Jennylyn Mercado at  Sam Milby para sa entry na “3POL Trobol.”

Sa presscon ng “The Mall, The Merrier,” naikuwento ni Vice ang recent na pag-uusap nila ni Coco. Nagkumustahan daw muna sila nang personal nilang buhay at career, “Sabi ko sa kanya, okey naman ang pelikula namin. Tapos sabi niya, ‘Alagaan mo ‘tong filmfest.’ Kasi, parang , ‘Sa ‘yo na ‘to, e,’ sabi niya. ‘Gusto ko laging maganda ’yung pelikulang nilalabas mo. Ako, okey na akong sumusunod lang sa ‘yo, first-runner-up mo ko lagi.’ Sabi ko naman, ‘Uy, hindi naman. Pero okey din na first runner-up ka.’ Ha-hahaha!”

   “Tapos sabi niya, ‘Hindi ka ba nangangarag?’ Sabi ko, ‘Okey lang naman. Kasi ang gaan ng shooting namin. Ikaw nga ang gusto kong kumustahin. Humihinga ka pa ba? Kasi, ikaw ang nagdidirek ng Probinsyano. Ikaw din ang nagdidirek ng pelikula mo. Tapos ikaw din ang producer, ikaw ang artista. Ikaw na ang lahat. Tapos ikaw din ang manonood.   ‘Di ba ikaw din sa catering? Tapos, nagwo-worry ako sa ‘yo lagi. Baka kung ano ang mangyari sa ‘yo.  At least ako, pakialamera lang ako sa pelikula ko. Meron akong sariling direktor.’

   “ E, siya? Lahat! Kaya ang saya lang ng lahat. Hindi nawawala ‘yung love and concern namin sa isa’t isa. Kasi, nu’ng nagsimula kami dito, ganoon kami, e. “

Dito na inamin ni Vice ang naging tampuhan nila noon ni Coco, “Oo, nagkatampuhan kami. Actually, ‘yung tampuhan na hindi kami, paano ba? Na hindi kami nag-usap. Nagtampo ako sa kanya. ‘Yung tampo na sinasabi ko lang sa mga common friends namin. ‘Yung pinaparating namin sa ibang tao ‘yung tampo namin. Tapos, ‘pag magkikita kami, wala. 

“Kaya ‘yung mga kaibigan namin,  ‘Alam ninyo, sira ulo ‘tong dalawa. Nu’ng nagkita naman sila, okey naman sila. Pero ang dami nilang tsika sa aming dalawa. Kanya-kanya kaming sumbungan. Sobra kaming ano, ganu’n na ang relationship namin ni Coco,” lahad pa ni Vice.

    Anyway, kasama rin sa “The Mall, The Merrier” sina Dimples Romana, Tony Labrusca, Jameson Blake, Elisse Joson, Ion Perez, Ate Girl Jackie Gonzaga, Lassy Marquez, MC Callaquian, Brendamage, Petite, Chad Kinis, Miel Espinosa, Carlo Gigil, Marjo (The You Do Note Girl) plus 50 more artists sa direksyon ni Barry Gonzalez.

Read more...