Karagdagang labor research, kailangan sa 4IR

Sa gitna ng mga pagbabago sa mundo ng trabaho dala ng Fourth Industrial Revolution, binigyang-diin ng Department of Labor and Employment ang kahalagahan ng pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga polisya at programa sa paggawa na batay sa masusing pag-aaral.

Sa temang, “Shaping the Discourse on the Future of Decent Work,” ang taunang research conference ay layong iangat ang kamalayan upang mahikayat ang makabuluhang dayalogo kaugnay sa future of work at mga epekto nito.

Ang fourth industrial revolution “ay isang malaking hamon sa ating panahon at kung paano natin ito lalagpasan, maiangkop ang ating mga sarili, at kung paano natin magagamit ang positibong potensiyal nito ay ang siyang huhubog sa kinabukasan ng ating mga trabaho.”

Kasunod ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga polisiya na evidence-based, idinagsag na ang kagawaran “ay maaari lamang maghabi ng epektibo at angkop na polisiya at programa batay sa pag-aaral, informed analysis, at makabuluhang social dialogue.”

Kaugnay sa future of work, inihahanda na ng DOLE ang mga inisyatibo at polisiya na naaayon sa prinsipyo ng pag-unlad at transisyon.

Labing-apat na uri ng pag-aaral na batay sa tatlong sub-theme ang naiprisinta sa ginanap na isang araw na pulong.

Sa ilalim ng tema, ang pagpapakita ng mga makabagong gawi, oportunidad at hamon sa mundo ng trabaho, ang mga naiprisintang pag-aaral ay may kaugnayan sa pag-susuri ng sitwasyon sa sektor ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa Pilipinas; antisipasyon sa mga kinakailangang kasanayan sa industriya ng konstruksyon; at differentiation ng pay scale sa lahat ng lebel ng kuwalipikasyon sa Technical and Vocational Education and Training (TVET) sa industriya ng konstruksyon.

Sa tema namang ‘securing social protection for all amidst uncertainties in the world of work,’ ang mga naiprisentang pag-aaral ay umikot sa non-hazardous work para sa mga kabataan sa sektor ng agrikultura, participatory assessment ng tulong ng DOLE para sa displaced worker; pagbuo ng mga lokal na komunidad para sa reintegration; lifestyle risk factor ng mga Pilipinong seafarer; mga polisiya ng DOLE sa health-related department order; at best practices para sa pagpapalaganap ng occupational safety and health (OSH).

Panghuli, sa ilalim ng temang ‘exploring institutional and workplace arrangements for a better and brighter future,’ may kaugnayan ang mga naiprisentang pag-aaral sa mga oportunidad at hamon sa paggawa; assessment ng oras at motion study at facilities evaluation; harbor pilotage sa Pilipinas; multi-employer bargaining; at paggamit ng mga benepisyo upang maiwasan ang mga problema sa kalakalan at paggawa sa Pilipinas.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Read more...