Melanie sa paglaban ni Michelle sa Miss World 2019: Makukuha niya ang korona

Kahanga-hanga rin ang pagganap ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa unang bahagi ng anniversary special ng Magpakailanman.

Ginampanan ni Dennis ang karakter ni Rens Tuzon, isang OFW na dumaan sa matitinding pagsubok kabilang na ang malagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay dahil sa ginawang pagtulong sa ilan pa nating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Isa si Cezar Longboy sa mga netizens na humanga sa pagganap ni Dennis sa kuwento ni Rens. Comment nito, “Mahirap magtrabaho sa abroad lalo na malayo ka sa pamilya. At napakahusay ni Dennis Trillo sa pagganap. Bravo!”

Ngayong gabi ang part 2 ng “OFW Most Wanted” episode ng Magpakailanman at tutukan ang mas marami pang nakaaantig na eksena sa kuwento ni Rens.
* * *
Napi-feel ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez na masusungkit ng kanyang anak na si Michelle Dee ang Miss World 2019 crown. Ito’y matapos makapasok ang Kapuso actress sa Top 40 candidates matapos ang pre-pageant.

“I would like to thank everybody sa pagboto ninyo at sa pagdadasal, kailangan na kailangan po ng anak ko iyon,” mensahe ni Miss International 1979 sa lahat ng Pilipinong sumusuporta sa anak nang ma-interview sa Unang Hirit.
Sa tanong kung malaki ba ang chance na makuha ni Michelle ang ikalawang Miss World crown ng bansa, ito ang sagot ni Melanie, “Well, of course as a mother, I always think positive. I always think the best of my child na makukuha niya ang korona. Pero you know, lahat naman tayo may sariling destiny.

“Whatever comes, it all happens for a reason. And I do believe that God does bless people who have a kind heart,” aniya pa.
Mapapanood ang grand coronation night ng Miss World 2019 ngayong gabi, 10:20 p.m. sa GMA 7.

Read more...