HAVING the best of both worlds ang youngest Eat Bulaga Dabarkads na si Baeby Baste dahil sa kanyang mga TV guestings.
Mula sa Kapuso primetime series na The Gift ng kanyang Kuya Alden Richards kung saan siya nagkaroon ng special appearance for a week, makakasaman naman niya ang kanyang Ate Maine Mendoza sa bagong episode ng weekly fantasy drama anthology na Daig Kayo ng Lola Ko, huh!
Sa totoo lang, maraming netizens ang humanga kay Meng sa pagganap niya bilang professional ballerina sa “Christmas Carol” episode ng nasabing Kapuso Sunday program. Kering-keri na raw talaga ng Phenomenal Star ang magdrama at magpaiyak ng manonood.
“Maine is always winning and it’s fun watching every win while she tries different roles and explore different things in showbiz,” komento ng isang netizen.
Samantala, tila nahawa na si Baeby Baste sa values na natututunan niya kina Alden at Maine. Nitong nakaraang mga araw, binisita ng bata ang mga batang may karamdaman sa Ospital ng Maynila upang pasayahin ang mga ito bukod pa sa ilang regalo na kanyang ipinamahagi.