MISMONG ang GMA Chairman at CEO na si Felipe Gozon ang nag-welcome sa 20 Kapuso stars and news personalities na binigyan ng “Walk of Fame” dahil sa natatanging kontribusyon nila sa istasyon.
Rumampa ang mga ito sa kani-kanilang Walk of Fame stars na matatagpuan sa walkway ng GMA Network Studios. Kabilang na nga riyan sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Aicelle Santos, Carmina Villarroel, Yasmien Kurdi, Kris Bernal, John Feir, Roi Vinzon at Iya Villania. Nandiyan din sina Ai Ai delas Alas, Gabby Concepcion, Megan Young, Dion Ignacio, Atom Araullo at Rovilson Fernandez.
Sa GMA News naman, kinilala ang galing sa pagbabalita ng mga Kapuso broadcast journalists na sina JP Soriano, Marisol Abduraman, Emil Sumangil, Oscar Oida, at Lala Roque.
Ayon kay Atty. Gozon, ang mga Walf of Famers ngayong 2019 ay napili dahil sa kanilang hindi matatawarang sipag, disiplina at pagpupursigi sa kani-kanilang trabaho at siyempre ang pagiging role model nila sa mga Kapuso viewers.
“Darating ang panahon, mapupuno ang mga sidewalks na ‘yan. Siyempre ‘yung mga talagang sikat at deserving. ‘Yung mga papunta palang doon, aantayin natin,” sey pa ng Presidente ng GMA.
GMA first unveiled its Walk of Fame stars in 2014, currently, there are 196 personalities whose names are etched around the GMA Network Center. Ito ay pet project din ng namayapang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na kumikilala sa mga naimbag ng mga artista sa mundo ng showbusiness at ng mga broadcast journalist sa larangan naman ng pamamahayag.