UMALIS agad ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas after ng presscon ng pelikulang “3POL Trobol”, ang official entry nila nina Jennylyn Mercado at Coco Martin sa MMFF 2019.
“Magpapaalam na ako sa inyo dahil kailangan ko nang umuwi dahil anniversary namin ngayon ng asawa ko,” ang pahayag ni Ai Ai bago tuluyang umalis. “Yes, di ba? Umabot kami ng 2 years, dati ilang buwan lang, hiwalay na, ngayon dalawang taon na. In fairness.”
Sa kanyang Instagram page, nag-post ang komedyana ng annivesary message para sa kanyang mister na si Gerald Sibayan. Aniya, “Sa aking pogi at mabait na asawa. May we have more years together with love, prosperity and happiness…
“Happy 2nd wedding anniversary my darl may our love get stronger and deeper. Salamat binigay ka ng DYOS sa akin. The best sya talaga kasi the best ang binigay nya saken na makakasama ko sa buhay .. 12-12-12 midnite dapat kaso baka makatulog na ako,” aniya pa.
Samantala, excited na si Ai Ai sa nalalapit na Pasko dahil ipalalabas na ang ipinagmamalaki nilang pelikula nina Coco at Jen, ang “3POL Trobol”. Ayon sa Kapuso comedienne, siguradong hindi sila mapapahiya sa mga manonood dahil talagang pinaganda nila nang bonggang-bongga ang pelikula.