2 niratrat sa dagat, patay | Bandera

2 niratrat sa dagat, patay

John Roson - December 13, 2019 - 05:29 PM

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pulisya ang napaulat na pagpatay ng mga naka-bangkang armado sa dalawang mangingisda sa bahagi ng dagat na sakop ng Ternate, Cavite, Huwebes ng hapon.

Pinagbabaril hanggang sa mapatay sina Ramil Culanag at Andres Oliveros habang pabalik ng Navotas City, dakong alas-3, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Pawang mga sakay umano ng tatlong kulay-asul na bangka ang mga armado, batay sa ulat na natanggap ng regional police.

Nagsagawa ang Cavite Maritime Police ng operasyon sa Ternate at Naic para hanapin sina Culanag at Oliveros matapos matunugan ang insidente Huwebes ng gabi, pero tumigil nang malamang narekober na ng mga kapwa mangingisda ang dalawa.

Inaalam pa ng Maritime Police ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending