HINAMON ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Philippine Statistics Authority Assistant Sec. Rosalinda Bautista na pagkasyahin ang P71 na panggastos kada araw.
Ayon kay Zarate maituturing na insulto sa mga mahihirap ang pahayag na sapat ang P10,727 para sa pangangailangan ng pamilya na may limang miyembro sa isang buwan.
“Subukan kayang mabuhay ng mga economic managers ng P71/ araw. Hirap na hirap na ang mamamayan sa taas ng bilihin, mataas na buwis, at baba ng sahod tapos ilalabas pa ang ganitong pahayag na nakakainsulto sa mamayan,” ani Zarate.
Iginiit ni Zarate na dapat aprubahan ng Kongreso ang pagtataas ng minimum wage sa P750 para sa pribadong empleyado at P16,000 minimum monthly wage sa mga empleyado ng gobyerno.
Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi na kapanipaniwala ang mga datos na inilalabas ng gobyerno na ginagawa umano para masabi na nababawasan ang bilang ng mga mahihirap.
“In what alternative universe is this poverty threshold based from?” tanong ni Gaite. “Let’s be clear, reducing poverty by simply reducing the amount of the standard of living is not reducing poverty, it’s faking poverty statistics. It’s a gross underestimation of the real state of Philippine poverty.”
Kung P7,500 umano ang ilalaan sa itlog-dilis-monggo diet, papaano magkakasya ang P2,227 para sa renta ng bahay, bayad sa tubig, kuryente, pamasahe at gastos sa pag-aaral ng mga anak.
“If anything else aside from covering up the state of poverty in the country, this ridiculous data must be aimed at justifying the denial of raising the standards of living by raising the minimum wage and regularizing contractual workers and employees,” dagdag pa ni Gaite.