Para sa may kaarawan ngayon: Makuntento sa kasalukuyang buhay. Mas madaling liligaya kung hindi na hahangarin pa ang mga bagay na wala sa iyo. Sa lovelife, kaysa maghanap ng iba, ipinatag ang sarili at magpakaligaya sa kasalukuyang minamahal. Markahan ang 1, 7, 19, 26 34 at 49. Green at yellow ang buenas. Swerte ang initial na J. at I.
Aries – (Marso 21-April 19)–Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon ka rin ng malaking halaga. Sa lovelife, wag buntot ng buntot sa kasuyo, kailangang mag isip ng sarili mong diskarte at pagkakaperahan. Markahan ang 3, 12, 21, 27, 39, at 45. Blue at orange ang buenas. Swerte ang initial na P. at M.
Taurus – (April 20-May 20)--Iplano ng mas maaga ang nalalapit na kapaskuhan. Mas makatitipid kung ngayon pa lang ihahanda na ang pang-regalo para sa pasko. Sa lovelife, yayain ang kasuyo na mamili ng mga mumurahing bilihin sa tianggean upang makatipid. Markahan ang 6, 15, 27, 33, 42 at 45. Pink at blue ang buenas. Swerte ang initial na F. at T.
Gemini – (May 21-June 21)–Wag ipagkait ang tulong sa iba! Kung lagi kang tumutulong ng walang kapalit lalo kang gaganda at lalo kang pagpapalain ni Lord. Sa lovelife, may masarap na romansang naghihitay mamayang gabi. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng maraming pera. Markahan ang 5, 14, 22, 37, 43 at 48. Gray at beige ang buenas. Swerte ang initial na H. at G.
Cancer – (June 22- July 22)–Bigyan ng sapat na oras ang pamilya. Hindi masamang magpayaman, kaya lang dapat mo ring dulutan ng sapat na panahon ang minamahal. Sa lovelife, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung mawawasak naman ang iyong love life? Markahan ang 8, 16, 25, 34, 40 at 44. Green at white ang buenas. Swerte ang initial na J. at R.
Leo – (July 23 – August 22)–Sa araw na ito lalakas ang iyong magnetismo, paglabas n g bahay suwerte at magagandang kapalaran ang masasagap mo. Sa lovelife, higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Sa bandang huli sa iyo ang huling halakhak. Markahan ang 6, 18, 27, 25, 34, at 47. Green at red ang buenas. Swerte ang initial na L. at D.
Virgo – (August 23 – September 22)--Tiyak na ang tagumpay! Sa mga panahong ito tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa lovelife, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Markahan ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Pink at yellow ang buenas. Swerte ang initial na O. at B.
Libra – (September 23-October 23)–Panalangin ang susi upang magtagumpay! Magdaos ng isang prayer meeting sa business site upang umangat ang kinikita. Sa lovelife, imbis na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang banal na lugar. Markahan ang 7, 19, 25, 36, 40 at 47. Maroon at beige ang buenas. Swerte ang initial na T. at P.
Scorpio – (October 24 – November 21)–Iwasang magdesisyon ng nakabatay sa damdamin! Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sa iyo. Sa lovelife, kahit na may konting pagtatalusira na naramdaman, hindi dapat malungkot, dahil ang lahat ay lilipas din. Markahan ang 4, 19, 28, 34, 40, at 44. Blue at violet ang buenas. Swerte ang initial na G. at A.
Sagittarius – (November 22 – December 21)--Sa pagiging happy ang masamang karamdaman ay lilipas. Sa pinansiyal, lalo pang magtipid upang kapag may emergency na pagkakagastusan may madudukot ka. Sa lovelife, romansa ang pinaka-epektibong pampalakas ng immune system. Markahan ang 5, 8, 18, 27, 30, at 40. Blue at orange ang buenas. Swerte ang initial na F. at M.
Capricorn – (December 22 – January 19)–Kikita ng mas maraming halaga kung tatapusin agad ang mga proyektong nakabinbin. Sa lovelife, pahinga muna sa romansa, mas kailangan pahalagahan ang mga bagay na pagkakaperahan. Markahan ang 6, 9, 18, 26, 34, at 40. Gray at red ang buenas. Swerte ang initial na H. at S.
Aquarius – (January 20 – February 18)–Kung papairalin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Wag maging isip bata. Sa lovelife, humingi ng sorry sa minamahal, upang muling uminit ang relasyon. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Green at yellow ang buenas. Swerte ang initial na L. at R.
Pisces – (February 19 – March 20)–Iwasang maubos ang oras sa mga gawaing walang kabuluhan. Itigil muna ang madalas ng page-FB. Sa pinansiyal, tataas ng bahagya ang kinikita. Konting ipon at tipid pa. Sa lovelife, nagtatampo ang kausyo, i-kiss mo siya at romansahin upang mawala ang pagsisintir. Markahan ang 7, 16, 27, 34, 42 at 45. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na S. at D.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.