Aga lumebel sa galing ng kilalang Hollywood star sa ‘Miracle’

XIA VIGOR AT AGA MUHLACH

Ngayon pa lang ay nangangamoy best actor na para kay Aga Muhlach dahil sa napakagaling niyang pagganap bilang mentally-challenged father sa “Miracle in Cell No. 7,” isa sa mga entry sa MMFF 2019 mula sa Viva Films.

Although nakita na namin ang ganu’ng klase ng atake ni Aga in one of his movies, mas ramdam namin ang pagiging “ama” niya sa karakter ni Xia Vigor.

We remember Hollywood star Sean Penn sa isang award-winning role niya habang pinanonood namin si Aga bilang isang tatay na may sakit sa pag-iisip at nakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Sobra rin kaming humanga kay Xia (sure kaming magkaka-award din ang bagets) sa kanyang mga drama moments with Aga and of course hindi pa rin matatawaran ang acting sa pelikula nina John Arcilla, Tirso Cruz lll, Joel Torre at Soliman Cruz.

Hindi namin napanood ang Korean version ng movie kaya’t hindi namin maikukumpara ang treatment na ginawa ni Direk Nuel Naval sa Pinoy adaptation nito.

Basta ang masasabi lang namin, punumpuno ito ng drama, ng makabagbag damdamin na mga eksena at husay ng mga performers na kaiinisan at mamahalin mo. Sana nga ay tangkilikin ito ng manonood sa Dec. 25.

Read more...