Sarah may sariling kwarto na sa bahay ni Matteo; nagpapraktis nang maging misis

Ay, sobrang “in” na nga sa Guidicelli family ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo!

Bukod sa mga private gathering na kasali siya, the latest was yung pag-abay niya sa kasal ng isa sa kapamilya ni Matteo Guidicelli, aba’y may chikang binigyan na rin daw ang dalaga ng sariling “room” sa tahanan ng kanyang fiance.

Ayon sa aming ka-Chismacker Kapatid na Ervin, hindi na bisita ang turing kay Sarah every time na nasa tahanan ito nina Matteo dahil “misis” na ni Matteo ang turing nila rito.

Sa katunayan, binigyan na rin siya ng chance na ipagluto roon si Matteo ng mga favorite food nito, parang practice na rin sa pagiging furure Mrs. Matteo Guidicelli.

Pero don’t get us wrong ha, hindi pa nagli-live in ang future husband and wife, ha!

Read more...