2 kilalang celeb grabe magplastikan sa ngalan ng career | Bandera

2 kilalang celeb grabe magplastikan sa ngalan ng career

Cristy Fermin - December 12, 2019 - 12:10 AM

SOBRANG kaplastikan kung ilarawan sa isang umpukan ang mga kuwentong inilalabas ngayon ng dalawang sikat na personalidad tungkol sa nakaraan nilang away.

Alam na alam kasi nila ang kuwento, naging saksi sila sa matinding gap ng dalawang sikat na personalidad, pero sa ngalan ng promosyon ng kanilang mga pelikula ay kinakaya nilang magpakaplastik.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n nga yata kapag success na ang nakasalalay. Puwede silang magplastikan, puwede nilang palabasing wala namang nangyari, pero paano naman kaya nila maitatago ‘yun?

“‘Yung si Personality A, grabe kung pagsalitaan ang kaaway niya! Masasakit ang mga salitang ibinabato niya laban kay Personality B!

“Ayaw nga niyang banggitin man lang ang programa nu’ng kaaway niya sa mga shows niya, e! Talagang nasaktan din naman kasi siya sa mga nalaman niyang pinagsasasabi ng kalaban niya!” umpisang chika ng aming source.

Naturingang lalaking-lalaki sa kanyang palabas si Personality B ay grabe rin pala ang bibig nito kapag umariba.

Patuloy ng aming source, “‘Yun naman kasing si Personality B, e, kuda rin nang kuda! Ibang klase rin ang lalaking ‘yun kung makapagpakawala ng mga salitang talagang kumakagat!

“Kunsabagay, nakapagtataka ba naman ‘yun, e, kahit nga sa mga extra sa programa niya, e, ilang beses nang nakatikim ng mga salita niyang grabe ang datingan!

“Mabilis siyang magalit, pinapansin niya kahit ang maliliit na bagay lang, pinagsasalitaan niya ang mga extra! So, nakakapanibago pa ba kung kumuda man siya nang kumuda laban du’n kay Personality A?

“Pero kapag tinatanong naman siya tungkol du’n, e, patawa-tawa lang siya na para bang walang-wala lang ‘yun! Gentleman daw kasi siya!

“Anong gentleman, e, salita nga siya nang salita tungkol sa kaaway niya? Tantanan na kasi ang pagpapa-macho kung ang dila naman, e, parang sa palengkera, ‘no!” inis na pahayag ng aming impormante.

Pero sa ngalan ng promosyon ng kanilang mga pelikula ay kinakaya nilang isantabi ang inis pa rin nila sa isa’t isa. Parang okey lang, parang ayos na sila, kaya tinatawag silang mga plastik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pa ng aming source, “Naku, ha? Hindi maganda ‘yun! Kahit ang mga probinsiyano, hindi magagandahan sa ginagawa nila!”

Aysus, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending