MATAPOS ang ilang linggong patibayan at bakbakan on stage, anim na lang ang natitira sa pinag-uusapan at laging trending na reality singing search sa bansa, ang The Clash: Isa Laban Sa Lahat”.
Ang masusuwerteng nakapasok sa The Clash Final 6 na talaga namang dumaan talaga sa butas ng karayom ay sina Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Nef Medina, Antonette Tismo, Aljon Gutierrez at Jeniffer Maravilla. Sila ang sasabak sa mas matitindi pang vocal challenge sa mga susunod na episode para masungkit ang titulong The Clash Season 2 grand champion.
Humarap sa entertainment media ang Lucky 6 kamakailan at dito nga namin nakachikahan ang pinakabatang contestant na si Antonette Tismo, ang binansagang Viral Princess ng Parañaque na siyang huling pumasok sa finals. Na-eliminate na ang 16-year-old singer noong Dec. 1 ngunit nabigyan ng chance na makabalik matapos tanggapin ang hamon para sa Clashback, ang wildcard round.
In fairness, talagang patibayan ng lalamunan at vocal chords ang labanan sa The Clash. Sabi nga ni Antonette, “Grabe po talaga. Ito na ang pinakamahirap na sinalihan kong contest. Hindi na po ako nakapagpahinga kasi last week lang ako natanggal tapos lumaban ulit. Pero okay lang po ang mahalaga nandito pa rin ako sa The Clash at super blessed na po ang feeling na umabot ako sa Final 6.”
“Chance ko na ulit ‘to. Iniisip ko rin po ‘yung title saka ‘yung pera kasi ang laki ng maitutulong no’n, parang do’n na ko naka-focus ngayon,” dagdag pa ng dalagita na naunang napanood sa The Voice Kids ng ABS-CBN sa ilalim ni Coach Sharon Cuneta.
Siyempre, talagang paghahandaan daw ni Antonette ang final showdown ng The Clash, “Kailangan n’yo po abangan na hindi lang pang 16 years old ‘yung ipapakita ko ngayong Sabado at Linggo. Gusto ko ipakita na hindi lang ako puro birit. Sasayaw po ako ngayon kasi ‘di po ako marunong sumayaw kasi ‘yung paa ko parehong kaliwa. ‘Di po ako magga-gown para makagalaw ako.”
Bukod kay Antonette, isa pa sa strongest contender sa Season 2 ng The Clash ay si Jeremiah Tiangco, ang Pop Heartthrob ng Imus. Halos lahat ng clashers ay siya ang itinuturing na mahigpit na makakalaban nila sa final showdown. In fairness, talaga namang complete package si Jeremiah dahil bukod sa ganda ng boses ay may artistahin look din siya kaya kahit hindi siya manalo sa contest, siguradong may lugar na siya sa showbiz.
Ayon kay Jeremiah, kahit magkakalaban sila sa contest, isang tunay na pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa, “Sobrang blessed po ako na nandito ako at hindi ko sasayangin ‘yung opportunity. Lalaban po ako hanggang dulo.”
Ito naman ang chika ni Jennifer na isa pa sa favorite ng Kapuso viewers lalo na nang kinanta niya ang “Boom Tarat Tarat” ni Willie Revillame, “May mga moments talaga na we fall pero ang importante is we stand up, work harder and believe in ourselves. I am inspired to keep going and do my best talaga.”
Sey naman ni Thea, “Music really saved me. Nu’ng nagsimula ang The Clash, marami talaga akong doubts pero ngayon pa lang masasabi ko na ang layo na nang narating ko, nakaya kong makipagsabayan sa kanilang lahat, nakaya kong lumaban.”
Lahad naman ni Nef na naipanalo ng soulful version niya ng “Warrior Is A Child,” “Pag sinabi nating warrior alam nating fighter yan, lumalaban kahit dehado na, at ‘yun ang mahalaga, just keep on fighting until you win.”
Sino nga kaya ang tatanghaling The Clash Season 2 champion? Kanino mapupunta ang boto ng mga Clash Panel na sina Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista? Tutukan ang huling dalawang episode ng The Clash ngayong Sabado, Dec. 14, after Pepito Manaloto at sa Linggo, Dec. 15 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7 hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz sa direksyon ni Louie Ignacio.