NIRATIPIKA na ng Kamara de Representantes ang P4.1 trilyong budget na gagamitin sa pagpapatuloy ng mga programa at proyekto ng Duterte administration sa susunod na taon.
Sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority Leader Martin Romualdez na ikinalat ng patas ang mga proyekto sa buong bansa.
“We would like to commend and congratulate the Bicameral Conference Committee for a thorough review and timely approval of the 2020 General Appropriations Bill,” saad ng joint statement ng dalawa lider ng Kamara.
Iginiit ng dalawa na walang pork barrel, walang parking fund at transparent umano ang ipinasang budget.
“2020 is a very symbolic year as it represents a perfect vision – a vision we share with President Duterte to provide a safe and comfortable life for all Filipinos. Now more than ever is the best time to push for reforms to see this goal through.”
Ginalaw umano ng mga senador at kongresista ang pondo upang magamit ng angkop ang pondo.
“While there is no perfect budget, both the Senate and the House of Representatives have identified areas where funds have been underutilized for various reasons. Thus both houses made adjustments so it can now be fully utilized for programs such as the Build, Build, Build and social welfare programs in furthering the goal improving the quality of life of Filipinos.”
Inaasahan na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang budget bago matapos ang taon.