NAWALA na ang mga nag-iingay sa kaldero at kikiam habang patuloy ang pagdami ng mga medalyang isinasabit sa leeg ng mga atletang Pinoy.
At after ng 23rd Southeast Asian Games noong 2005, ngayon lang ulit mago-overall champion ang Team Pilipinas.
Hindi matatawaran ang karangalan na ito lalo at sixth place lang ang bansa noong 29th SEAG sa Malaysia (2017).
Totoo naman na mayroong mga naging problema nang sa simula bago ang opisyal na pagbubukas ng SEAG pero hindi naman maikakaila na mas maraming nangyaring maganda. Ang problema lang ay mas binibigyan ito ng pansin noon. Kung tutuusin ay hindi rin naman ganun kalaki ang mga problemang ito gaya ng hindi pa ready ang hotel room, o hindi kaagad nasundo sa airport. Kahit naman hindi SEAG nangyayari ito.
Lumabas pa nga ang mga kuwentuhan na may sumasabotahe sa Philippine SEA Games Organizing Committee kung saan chairman si Speaker Alan Peter Cayetano para pumalpak ang hosting. First time na ang Phisgoc ang humawak sa SEAG.
Yung mga kwento na dapat sumablay si Cayetano para mapagalitan siya ni Pangulong Duterte. Pero sabi nga, hindi naman si Cayetano ang ipinapahiya nila kundi ang bansa na pinamumunuan ni Duterte. E di si presidente ang ipinapahiya nila.
At iisipin mo na totoong may sumasabotahe dahil may mga kumalat na fake news gaya nung aqua center na walang tiles at kikiam na chicken sausage na ang nagkuwento ay hindi naman pala ang nakakita o kumain nito.
Nang matapos ang magandang opening ay natahimik na ang mga miron. At hindi nakakagulat kung meron sa kanila na nagdarasal na matalo ang ating mga atleta makahanap lang ng maipambabato sa Phisgoc.
Hindi rin maitatanggi na malaki ang naging bentahe sa pagho-host ng bansa ng SEAG kaya pinakamarami ang nahakot na medalya ng PHL. Home court advantage ika nga.
Kung hindi Pilipinas ang host malamang ay hindi rin tayo ang overall champion.
Nag-host ang Pilipinas ng SEAG noong 1981 tayo ay third place, at noong 1991 ay second place naman.
At sa pagtatapos ang SEAG ano’ng maiiwan sa atin? Bukod sa ngiti sa labi ng ating mga atleta, matitira ang mga world-class facilities na ginamit ng mga manlalaro.
May mga international swimming competition na gustong gamitin ang aquatic center sa New Clark City dahil maganda naman talaga. At 50 countries ang kasali sa naturang competition. Ayan, may pogi points ang nasa likod ng center.
Ang kailangan na lang gawin ay pangalagaan ito at huwag pabayaan at dagdagan pa ang mga ganitong pasilidad para sa susunod na hosting ng bansa ay hindi na tayo nagagahol sa oras.
May hirit ang mga miron, ngayong maganda ng kinalabasan ng SEAG i-congratulate kaya ng mga bashers ang Phisgoc at si Cayetano?
At natahimik mga bashers
READ NEXT
A doctor’s road rage
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...