Dating aktor na si Mico Palanca pumanaw na sa edad 41; nag-suicide nga ba?

PUMANAW na ang dating aktor na si Mico Palanca. Siya ay 41.

Si Mico ay kapatid ng aktor ding si Bernard Palanca at naging boyfriend din noon ni Bea Alonzo. 

Batay sa inisyal na ulat, inatake umano ng matinding depresyon si Mico Palanca nang dahil sa kanyang lovelife. Wala pang kumpirmasyon ang kumalat na balita na tumalon umano sa isang residential area sa Santolan Town sa San Juan City ang binata.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya Palanca tungkol sa pagkamatay ni Mico. 

Sa isang Facebook post, nagpahayag naman ng pakikiramay sa pamilya ni Mico ang pamunuan ng Film Academy of the Philippines (FAP), “The Film Academy Of The Philippines extends our sincerest sympathies to the family of Mico Palanca for his untimely passing.”

Nag-post din ang dating handler ni Mico sa Star Magic na si Monch Novales sa kanyang social media accouny tungkol sa pagpanaw ng aktor, “I will miss you miko! I love you forever.”

Nagsimula ang career ni Mico sa ABS-CBN kung saan nakagawa rin siya ng ilang programa kabilang na ang youth oriented show na Gimik noong 2010 at ang teleseryeng May Bukas Pa.

 Nakasali rin siya sa isa pang ABS-CBN show na K2BU kung saan niya nakilala si Bea.

Huling napanood ang utol ni Bernard sa Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano (2016) at sa Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Read more...