Louise sa kaibigang aktor: OMG! Siya ang baklang-baklang nakilala ko!

 

LOUISE DELOS REYES AT PRINCE STEFAN

“OMG! Siya ang pinakabaklang-baklang nakilala ko!” ‘Yan ang comment ni Louise delos Reyes nang tanungin tungkol sa gay actor na si Prince Stefan. Magkasama sila ngayon sa latest hugot movie ng Viva Films na “My Bakit List” under Viva Films.

Hindi nakarating si Prince sa nakaraang presscon ng pelikula kaya si Louise ang natanong about his character sa kuwento. Sa “My Bakit List” gaganap na BFF sina Louise at Prince at dahil sa nasabing movie ay naging close na talaga sila sa tunay na buhay dahil matagal-tagal din silang nagkasama sa Ilocos Norte kung saan sila nag-shooting.

Ani Louise “recovering from a surgery” ang status ngayon ni Prince dahil sa aksidenteng kinasangkutan kamakailan. Paano niya ilalarawan ang gay actor, “Oh my God, siya ang pinakabaklang-bakla na nakilala ko na bakla. Sabi ko, ‘Alam ko na bakla ka, pero bakit ang bakla-bakla mo?'”

Nagkasama noon ang dalawa sa bakuran ng GMA pero hindi pa naglaladlad that time ang aktor, “Yung kabaklaan niya, parang ang hirap i-contain. Seryoso, walang panama sa kanya ang mga bakla sa parlor sa sobrang kabaklaan niya. Ang landi niya! Hindi kayang i-contain.” Sa tanong kung may naranasan na ba niyang magkaroon ng manliligaw o leading man na pilit itinatago ang pagiging beki, “Wala pa naman o baka mahina lang ang gaydar ko.

Sa panahon ngayon, kahit straight na lalaki, sinasabihan ka ng ‘bes’ or sinasabihan ka ng ‘day’ or ‘mars,’ so mahirap na. Once na pumunta ka ng taping set, kahit nga cameraman, ‘beshie.'” Pero kahit daw baklang-bakla si Prince sa paningin niya, may pagkakataong lumalabas pa rin ang pagiging lalaki nito,

“Kapag nagsasalita siya, minsan, nawawala ang gay twang niya. Or kapag tumatayo siya,sabi ko, huwag kang magsalita, mukha kang lalaki.” Posible bang ma-in love siya sa isang bading? “Parang kapatid ko sila, e. Parang magiging incest. Saka hindi possible yun dahil taken na ako.”

Ang tinutukoy ng aktres ay ang non-showbiz guy na ka-live in niya ngayon. Pero nilinaw niya na hindi pa sila engaged.

“Hindi pa. Kasi I think kapag ready ka na talaga, doon na ibibigay sa ‘yo na parang eto na yon. Hindi ko kasi masabi kong ready na ako or yung partner ko ready na rin, or kung siya na ba talaga kasi ang dami pang mangyayari, eh. Pero ako siyempre, gusto ko siya na, ready na ako for that.

Pero siyempre, ang dami mo pang iisipin na factor. Yung ibang mga kaibigan ko engaged na, nakapag-asawa, may anak, so parang nakita ko na hindi basta-basta maglagay ng singsing sa kamay. “It’s a commitment. Financially, okey ka na ba, emotionally. Katawan mo ready na ba, madami, eh, madaming factor

. If ever na mag-propose siya, tatanggapin ko naman but it’s going to be a long engagement until the time that we’re both ready.

Kasi hindi basta-basta yung pera na ilalabas mo pag kinasal ka na, pag nagpagawa ka ng bahay at lalo na pag nagka-baby.

I just want to be prepared, at least sa part ko,” paliwanag ni Louise. Samantala, hindi naman daw nakikialam sa career niya ang kanyang dyowa pero happy siya dahil wala siyang masyadong intimate scenes sa “My Bakit List”, “Sabi ko kay Direk after ng ‘Hanggang Kailan’ sabi ko, ‘Direk parang hindi ko muna kaya… hindi ko muna kaya.’

Parang natodo ko na yata sa Hanggang Kailan. Saka meron din akong kapatid na lalaki, kaya din never akong nag-say yes sa mga men’s magazine before kasi ayokong aasarin sila dahil sa trabaho ko.” Showing na ang “My Bakit List” sa mga sinehan simula sa Dec. 11, sa direksyon ni Bona Fajardo. Kasama rin nila rito ang international actor na si Ivan Padilla.

READ NEXT
Lost sheep
Read more...