“NAGLUKSA” ang mga tagasuporta ni Gazini Ganados, kabilang na ang ilang celebrities nang hindi tawagin ang kanyang pangalan sa Top 10
finalists ng Miss Universe 2019. Ang kinoronahang Miss Universe 2019 ay si Zozibini Tunzi ng South Africa. Ginanap ang grand coronation sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia,
USA, kung saan hanggang Top20 lang ang inabot ni Miss Philippines Gazini Ganados.
Kabilang sa mga nalungkot sa pagkatalo ng dalaga ay sina Vice Ganda, Ruffa Gutierrez, Anne Curtis, Tim Yap, Barbie Imperial at Bianca Gonzalez. Anila, kahit natalo ang kandidata ng bansa ay winner na winner pa rin siya sa puso ng mga Filipinos.
Tweet ni Vice pagkatapos i-announce ang Top 10, “What da >¥*%¥£>+^#?£%|?!£ !!!!!!(fuming mad emojis). Baka merong WILDER Card o!!! bekenemen phlisssshhhh!!!!!!
“Sabi ni Gazini ‘No one shall be left behind’ so walang iwanan!!! We still love u Gazini!!!” mensahe pa ni Vice.
Hirit pa ng TV host-comedian, “Ok tumawag ang Miss Universe organization. May Ultimate Resbak daw at sa Showtime gagawin. We’ll keep
u posted ok. #MissUniversePhilippines2019!” Ito naman ang message ni Bianca, “Thank you for representing the country so well, @gazzzini!!!!”
“Thank you for trying your best @gazzzini!” tweet ni Ruffa. Sey naman ni Anne, “Maraming Salamat @gazzzini. You
made us proud! #MissUnivers2019!”
“Would have wanted to see @gazzzini wear the gown CarySantiago made for her. Still, good job, Gazini!!! We are still behind you. Chin up, Philippines!” sey
naman ni Tim Yap.