Joyce Ching ikinasal na kay Kevin Alimon: I love you…

JOYCE CHING AT KEVIN ALIMON

 Ikinasal na ang One of the Baes actress na si Joyce Ching kay Kevin Alimon.
Naganap ang intimate wedding ng bagong kasal sa Infinity Garden, Baguio Country Club sa Baguio City nitong Linggo na
dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan. Kung matatandaan, ibinandera ng Kapuso star noong Feb. 18 ang engagement nila ni Kevin
.

Naganap ang proposal habang naglalaro sila sa isang “escape room” kung saan ang group of players ay kailangang ma-solve ang clues para makalabas sila mula sa themed rooms.

“When I asked God for a relationship, I didn’t pray for anything or anyone in specific, all I asked is for Him to prepare me for it. So He gave me someone I didn’t like.

Because you know, funny din talaga si Lord minsan. Kaya ayan, naging kami. “Thank you for pursuing God everyday.

I am super grateful to have you. Happy Anniversary! (P.S. Like ko na siya ngayon) (P.S. ulit. I love you)!” ang mensahe ni Joyce kay Kevin after the proposal.

 

Read more...