Alden nagmuni-muni sa Baguio; nagpasalamat sa matagumpay na 9 taon showbiz

ALDEN RICHARDS

SIPAG, tiyaga at dasal. ‘Yan ang tatlong bagay na binigyang halaga ni Alden Richards sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang career.
Pasok na si Alden sa ikasampung taon niya sa showbiz. Pinili niyang umakyat ng Baguio City base sa litrato niya sa Instagram upang magmuni-muni sa nga nangyari sa buhay at career niya sa loob ng siyam na taon sa showbiz. Caption ng Asia’s Multimedia Star sa kanyang IG post, “Sometimes all you need is one-day break.”

Sa isa pang picture, habang nakatingin sa itaas, inilagay niya ang mensaheng, “Reflecting on the past 9 years and so much has happened.

It’s almost surreal. Some say it’s #blessed. Some say it’s luck. “It’s definitely hard work, perseverance and prayers. “All I can say is thank you from the bottom of heart.

Maraming salamat sa inyo! Road to 10, let’s go!” Sa darating na Jan. 2 ay 28 years old na si Alden at ang tagumpay niya bilang artisa
at bilang negosyante ay hindi na basta-basta maiisnab, huh! Happy 9th year in showbiz, Alden! 

Read more...