‘Miracle In Cell No.7’ lalaban bilang top-grosser sa MMFF 2019

XIA VIGOR AT AGA MUHLACH

 Malaki ang laban ng entry ni Aga Muhlach na “Miracle in Cell No.7” sa Metro Manila Film Festival para maging top-grosser this year.
Aba, ang Korean version ng nasabing pelikula ang top-grossing film sa South Korea noong 2013 at ngayon ay number 7 na sa highest grossing domestic films of all time ng Korea.
Eh, nang ilabas sa social media ang teaser ng “Miracle in Cell No.7” nina Aga at Xia Vigor mabilis itong nag-trending and after two weeks umabot na ito sa 18.4 million views, huh!
Ibigay na natin kina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin ang comedy at aksyon sa kani-kanilang MMFF 2019 entries.
Basta ang iyakan at dramang pampamilya, solo na ‘yan ng “Miracle in Cell No.7” mula sa Viva Films!

Read more...