Tanong ng fans: Pwede bang lumipat sa GMA ang Kapamilya stars? | Bandera

Tanong ng fans: Pwede bang lumipat sa GMA ang Kapamilya stars?

Cristy Fermin - December 09, 2019 - 12:17 AM

Hindi simple ang kalungkutang nararamdaman ngayon ng mga empleyado at artistang kontratado ng ABS-CBN. Masasayang panoorin ang kanilang mga programa pero maraming nagkukuwento na laganap ang lungkot sa buong bakuran.

Kapag may mga empleyadong nagkakaumpukan ay isa lang ang kanilang tanungan, makapag-renew kaya ng franchise ang kanilang network, lumambot kaya ang puso ni PRRD bago dumating ang Marso?

Kahit ang mga artista ng ABS-CBN ay ganu’n din ang palaging usapan, paano na sila kapag nagsarado ang istasyon, ano na ang magiging kapalaran nila?

Napakalaking giyera ang hinaharap ngayon ng network, lalo na’t sa pinakahuling pagtalakay ng pangulo sa usapin ay matatag nitong sinabi na walang magaganap na renewal. Sisiguraduhin daw ng pangulo na hindi makalulusot ang istasyon.

Nasa ABS-CBN pa naman ang mga pinakasikat na loveteams, nasa kanila na halos ang lahat ng mga popular na artista, paano na nga naman sila kapag talagang pinanindigan ng pangulo na “out” na ang network?

Pero umaasa pa rin ang marami na sa mga susunod na buwan ay meron pang makapagtutulay sa pangulo para sa franchise renewal ng ABS-CBN. Wala namang imposible kung magkikita sa gitna ang dalawang panig.

Isang tagahanga ng KathNiel ang tumawag sa amin, nag-aalala ito, “Paano na po kung totoo ngang magsasarado na ang ABS-CBN? Puwede bang lumipat sa GMA 7 ang mga stars ng Dos?

“Paano na po sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kasali ba ang Star Cinema sa ipasasarado ng presidente?” tanong ng tagahanga ng tambalan.

Marami na kaming tinatanggap na tawag ng mga tagahanga ng mga maaapektuhang artista ng ABS-CBN. Sila ang matinding nag-aalala para sa kanilang mga idolo.

Ano na raw ang mangyayari sa kanila, saan na sila pupunta, kung talagang ipasasarado na ni Pangulong Duterte ang istasyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending