Centeno nag-uwi ng gold sa women’s 10-ball

NATUMBOK ni Chezka Centeno ang kanyang unang gintong medalya sa billiards competition matapos daigin ang kakamping si Rubilen Amit, 7-3, sa kanilang all-Filipino finals match sa 30th Southeast Asian Games women’s 10-ball singles Sabado ng hapon sa Manila Hotel Tent.

Agad kinuha ni Centeno ang unang dalawang rack bago nagawang magwagi si Amit sa ikatlong rack sa kanilang race-to-7 racks finals.

Napanalunan naman si Centeno ang apat na sunod na rack para lumapit sa pagtumbok ng gold sa iskor na 6-1 bago naagaw ni Amit ang sumunod na dalawang rack.

Tinapos naman ni Centeno ang laban nila ni Amit sa ika-10 rack para pormal na ilatag ang gold-silver finish ng Pilipinas sa women’s 10-ball competition.

Ikinasa nina Amit at Centeno ang kanilang unang all-Pinay finals duel matapos dominahin ang kanilang mga katunggali mula sa Myanmar sa semifinals.

Nakatakda ring sumabak sina Centeno at Amit sa women’s 9-ball singles finals ngayong Linggo ng gabi.

Read more...