3 dakip sa P40.8M shabu sa Paranaque

 

ARESTADO tatlo katao nang makuhaan ng P40.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Parañaque City, Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Nadakip ang target ng operasyon na si Hamodine Ibrahim, isang 26-anyos na tricycle driver; at mga kasabwat niyang sina Datunot Magelna, 22, at Eric Musa, 20, sabi ni Joel Plaza, direktor ng PDEA-National Capital Region.

Isinagawa ng mga miyembro ng PDEA-NCR Eastern at Southern district offices, at Parañaque City police, ang operasyon sa Isabelle Grand Villas, Brgy. Moonwalk, dakong alas-8:30.

Nasamsam sa operasyon ang ilang pakete na may aabot sa kabuuang 6 kilo ng hinihinalang shabu, tatlong cellphone, isang identification card, tatlong itim na “eco bag,” itim na plastic bag, at ang buy-bust money.

Hinahandaan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, ani Plaza.

Read more...