Gilas Pilipinas wagi kontra Vietnam

NAHABLOT ng Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo matapos tambakan ang Vietnam, 110-69, sa kanilang 30th Southeast Asian Games men’s basketball preliminary game Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Mula sa paghawak ng 52-40 sa halftime lead ay biglang rumatsada ang mga Pinoy cagers sa pagbubukas ng second half para maiwanan ang mga Vietnamese.

Namuno para sa opensa ng Pilipinas si June Mar Fajardo sa ginawang 23 puntos.

Nagdagdag naman sina LA Tenorio at Vic Manuel ng tig-14 puntos para sa Pinoy habang sina Troy Rosario, Stanley Pringle at Greg Slaughter ay nag-ambag ng 12, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang Myanmar ngayong Sabado ng gabi.

Read more...