Centeno, Amit ikinasa ang all-Pinay 10-ball finals

 

IKINASA nina Chezka Centeno at Rubilen Amit ang isang all-Filipino finals matapos manaig sa kanilang semifinals match sa 30th Southeast Asian Games women’s 10-ball singles Biyernes ng gabi sa Manila Hotel Tent.

Naunang nakapasok si Amit sa finals matapos dominahin si Maung Thandar ng Myanmar, 7-2.

Sinundan naman siya ni Centeno na tinalo  si Aung A Mi ng Myanmar, 7-4.

Maghaharap sina Amit at Centeno sa 10-ball finals dakong alas-4 ng hapon ngayong Sabado.

Bago ito ay nakatakda ring sumalang sina Centeno at Amit sa women’s 9-ball singles semifinals ala-1 ng hapon ngayong Sabado.

Read more...