Centeno, Amit umusad sa SEAG women’s 9-ball semifinals

SINIGURO nina Chezka Centeno at Rubilen Amit na makakabalik sila sa semifinals matapos manaig sa kanilang quarterfinals match sa 30th Southeast Asian Games women’s 9-ball singles Biyernes ng hapon sa Manila Hotel Tent.

Winalis ng defending champion na si Centeno si Angeline Ticoalu ng Indonesia, 7-0, habang dinaig ni Amit si Fathrah Masum ng Indonesia, 7-3.

Makakalaban nila sa semis na gaganapin Sabado ng hapon sina Vutthiphan Kongkaket ng Thailand at Jessica Tan Hui Ming ng Singapore.

Nakatakda ring sumabak sina Centeno at Amit sa 10-ball singles semifinals kontra mga katunggali mula Myanmar Biyernes ng gabi.

Read more...