TODO tanggol ang Palasyo sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na pito sa 10 Pinoy ang nababahala sa patuloy na pagdami ng mga Tsinoy sa bansa.
Sa isang pahayag, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na inaasahan na ng Malacanang ang balita.
“The Palace is not surprised by the survey result showing that 70% of adult Filipinos expressed worry about the increasing number of foreign Chinese working in the Philippines,” sabi ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na inunahan na ng SWS ang magiging sagot ng mga tinanong.
“It is a matter of research methodology. We note that the survey question has been slantly phrased as: Gaano po kayo nababahala sa pagdami ng dayuhang Intsik na nagtratrabaho sa Pilipinas?” giit ni Panelo.
“Necessarily, the response is logical and expected because the question already assumes that there exists a cause of worry,” ayon pa sa kanya.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na inaasahan na rin ang pagsakay sa isyu ng oposisyon.
“In the same logic, those who are opposed to the President’s pivot to China by reason of his independent foreign policy, would put political color and tweak and highlight the result of this survey question for political propaganda purposes,” dagdag ni Panelo.
Tiniyak naman ni Panelo na mahigpit na sinusunod ang mga batas sa pagpasok ng mga Chinese sa bansa.
“The Filipino people are assured, that this Administration is strict in enforcing the the law, especially those pertaining to our immigration and labor policies. The President, as always, will prioritize the interests of the Filipino people and our local labor force,” ayon pa kay Panelo.