SWS: 7 sa 10 Pinoy nababahala sa pagdagsa ng Chinese workers

NABABAHALA ang 7 sa bawat 10 Pilipino sa pagdagsa ng mga manggagawang Chinese sa bansa, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Lubhang nababahala ang 70 porsyento (39 porsyento na lubhang nababahala at 31 porsyento na medyo nababahala), ayon sa survey na ginawa mula Setyembre 27-30.

Hindi naman nababahala ang 30 porsyento (11 porsyento na lubos na hindi nababahala at 19 porsyento na medyo hindi nababahala).

Sumasang-ayon din ang 52 porsyento na banta sa seguridad ng bansa ang mga nagtatrabahong Chinese sa bansa samantalang 27 porsyento ang naniniwala na sila ay hindi banta sa seguridad. Ang 21 porsyento ay walang tiyak na sagot.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents.

Ang SWS ay mayroong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.

Read more...