Jean Garcia kinilig nang alalayan ni Hollywood actor

Kinilig ang Kapuso award-winning actress na si Jean Garcia nang alalayan siya ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin sa isang showbiz event kamakailan.

Ito’y naganap sa premiere night ng pelikulang “Kaibigan” na pinagbibidahan ni Baldwin, ang tatay ng international model na si Hailey Baldwin at asawa ni Justin Bieber. Kasama rin dito si Jean at sabay nga silang dumating sa SM Megamall kung saan nakunan silang magkasama ng mga fans.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jean ang litrato nila ni Stephen Baldwin na may caption na, “Eh ‘yung alalayan ka ng isang Hollywood actor na itago po natin sa pangalang Stephen Baldwin.

“Ayieeee kilig po si Inday! Hihihihi!!! Such a gentleman! Thank you, Stephen,” sabi pa ni Jean na gabi-gabi ring napapanood sa Kapuso primetime series na The Gift.

Read more...