MMK ni Julia tinalo ng MPK episode ni Hipon Girl

Panalo sa ratings game ang nakaraang episode ng Magpakailanman na pinagbidahan ni Harlene Budol na unang nakilala sa Wowowin bilang si Hipon Girl.

Kahit baguhan pa lang, sumabak agad si Harlene sa matinding dramahan na talagang hinangaan ng manonood. Tinalo niya ang episode ng kalabang drama anthology na pinagbidahan ni Julia Barretto. Imagine, natalo ni Hipon Girt ang kontrobersiyal na young actress.

Ngayong Sabado naman, bibida ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa two-part anniversary special ng Kapuso weekly drama hosted by Mel Tiangco.

Kuwento ito ni Renz Tuzon, isang OFW sa Saudi na nasangkot sa planong pagtakas kasama ang ilan pang kapwa OFW na inaabuso ng kanilang employers.

Read more...